Linggo, Disyembre 8, 2013

Race The Sun: Giving Up Is Not An Option

Good morning!!!!!! First time kong magsulat ng sarili kong blog. Honestly wala akong ideya kung paano sinisimulan ito. Matapos kong magising mula sa mahabang tulog maraming naglalaro sa aking isipan kung anong isusulat ko. Aking inobserbahan ang ibang blog at napansin kong na kahit anong topic ay pwede, "anything under the sun" ika nga nila.

I just want to share yung napanood kong movie kahapon, gusto ko yung tema ng buong pelikula. "Try and try until you succeed" siguro masasabing gasgas na pero "it make sense" sa lahat ng pagkakataon, being persistent kahit na parang "you and me against the world" ang sitwasyon tuloy pa din hindi sumusuko dahil ang goal ay matapos.

"Race the Sun" ang title ng movie. Pinagbibidahan ni Storm ng X-men walang iba kung hindi si Halle Berry. Ang kuwento ay tungkol sa mga high school students sa isang lugar sa Hawaii. Si Halle ay isang bagong teacher sa kanilang school dahil ang kanilang dating teacher ay nagresign. Science ang kanyang subject na ituturo kahit na English ang kanyang natapos. Ang mga estudyante niya ay sobrang pasaway. May kanya-kanyang agenda pagnagkaklase. Meron kanya-kanyang ginagawa tulad ng pag-i-sketch, pagne-nail polish, maingay na nakikipagkwentuhan sa katabi at ang matindi pa diyan hindi siya masyadong ginagalangng mga ito. Ngunit nagbago ang lahat dahil yung pasaway na grupo sa kanyang klase ay wala pang proposal sa kanilang Science project  kaya nirequire sila ni Halle na pumunta sa isang Science Fair para makakuha ng idea sa kanilang project. Matapos maglibot-libot ang isa sa kanyang mga estudyante na si Daniel ay naging intersado sa isang solar panel car na nakita niya sa fair. Hinawakan niya ito at pinagalitan siya ng isang lalaki. Humingi si Daniel ng sorry ngunit sabi ng kanyang kaklase ay hindi dapat siya humingi ng sorry. Nagkainitan at nauwi sa gulo dahil minaliit sila at sinabihang mga bobo daw sila.

Kaya ng sumunod na araw ay pinuntahan nila si Halle sa bahay nito at nagbigay ng isang sketch para sa kanilang project proposal, isang solar panel car. Noong una ay ayaw ni Halle pumayag kasi hindi ganun kadali gumawa ng isang solar panel car, dahil kailangan gumugol ng panahon at para na rin itong isang tunay na sa sasakyan ngunit hindi nagtagal napapayag din siya ng mga bata.. Sinimulan na nilang buuin ang kanilang sasakyan na papatakbuhin ng mga solar panel. Pinaliwanag ni Halle kung paano gumagana ang isang solar panel car. Dumaan ang ilang lingo,  papalapit ng papalapit  ang karera ngunit dahil sa hindi naging maganda ang  naging resulta ay unti-unti silang sumuko pero si Daniel ay nakaisip ng isang ideya. Ang kanilang solar panel car ay magiging ipis ang pinakakonsepto. Matapos nito unti-unti silang nabigyan ng motibasyon na ipagpatuloy ang pagsali sa karera. Kahit mahirap hindi sila sumuko nanatili silang matatag. Nagbunga ang kanilang paghihirap nanalo sila at sila ang ipapadala sa Australia para kumatawan sa kanilang lugar. Hindi sila makapaniwala na lalaban sila sa ibang mga bansa.

Ang karera sa Australia, ay tumagal ng ilang araw, samut-saring problema ang kanilang kinaharap hinamon ang kanilang katatagan at kagustuhang matapos ang karera. Dahil sa pagod at init na rin ng panahon isa-isa silang nagkasakit at nanghina. Ngunit kahit parang imposible na matapos ang karera hindi sila sumuko kahit na nasira na ang kanilang solar panel car matapos magliyab ito, hindi sila pinanghinaan ng loob at ginawa ang lahat binigay ang best at naniwalang kaya nilang tapusin ang karera. Teamwork means team effort sila lahat ay hindi sumuko kaya napagtagumpayan nila ang hamon kahit na ilang beses nasiraan. Hindi sila nasiraan ng pag-asa. Basta ibinigay mo ang iyong best wala kang dapat pagsisihan manalo man o matalo ika nga nila.

Realization after watching the movie, na try and try until you succeed ay totoo. Maaring ngayon ay hindi mo nakuha ang iyong goal hindi ibig sabihin suko ka na. Sabi nga ng pamosong kasabihan subok lang ng subok hanggang sa mapagtagumpayan basta you give your very best in everything you do sa simula pa lang panalo ka na. Sobrang nakakainspire lang yung movie dahil itong mga philosophies na ito ay maaapply sa ibat-ibang bagay. Basta you have the will and the goal to succeed sabi nga ni Nelson Mandela "Action with Vision". Kaya guys try niyo panuorin!!!!!!!!!!!!!!!!!!

The whole movie is based on a true story and hindi siya as extravagant compare to other movies pero may sinasabi even if you are underdog you can be at the top. As what the saying goes "Try and try until you succeed". Kaya nga ako I give my very best in everything I do lalo na ay panahon na ng thesis alam ko marami akong pagdadaanan na hirap kasama ng mga thesis groupmates ko pero kakayanin naming, hindi ako matitinag. Especially pagdating ko sa real world after graduation where the real batlle begins, try and try with all the oppurtunities na dadarating. Syempre lalo na sa pagharap sa hamon ng buhay araw-araw "giving up is not an option"  Cross fingers lang sa lahat ng mangyayari sabi nga sa Philippians 4:13 "We can do all things through Christ who strengthens us". Kaya go lang go sabi ng kanta ni Jason Mraz "I won't give up ".


Yehey!!!!!!!!!!!  At yun nga ang aking kauna-unahang blog until next time rockyROD  is now signing off.

4 (na) komento:

  1. Base sa pagkakakuwento mo, importante rin ang collective action doon sa grupo. Mukhang maganda nga 'yung pelikula. :)

    TumugonBurahin
  2. Florizeeeeeeeeel! :) di ko binasa ng buo. Papanuorin ko nalang 'yung movie ;) <3 hahahaa

    TumugonBurahin
  3. Habang binabasa ko, iniimagine ko kung paano mo dine-deliver 'to in person. :)

    TumugonBurahin
  4. Ako rin gusto ko yung kasabihan na try and try until you succeed kasi totoo naman talaga siya :) Pero minsan dadating din kasi tayo sa point na susuko tayo e. Okay lang naman sumuko as long as babangon ka ulit and mas maggrow ka pa :) Siguro yung time na sumuko ka, dun mo ulit piniprepare yung sarili mo to be the best :) Yun.

    TumugonBurahin