Bahagi na ng bawat tao ang pakikisalamuha sa iba. Hindi ito maiiwasan dahil ang tao ay sadyang isang “social being”. Kaya kalakip nito ang pagharap sa iba’t-ibang klase ng tao. Lahat naman ng ating mga kakilala o mga kaibigan ngayon ay nagsimula bilang isang estranghero sa atin. Hindi naman kaagad noong nagkita kayo ay kilalang kilala niyo na ang isa’t-isa. Ang unang pagkikpagkita sa isang tao ay sadyang isang malaking hamon dahil wala kang kahit anong impormasyon tungkol sa kanya, kaya ang resulta ay nagkakaroon ng “uncertainty” o nagkakaroon ng ilangan sa pagitan niyong dalawa. Isang halimbawa diyan kapag ang iyong kaibigan ay may ipinakilalang kaibigan niya sa iyo, nagkakaroon ng ilangan sa pagitan ninyong dalawa.
Isang teorya ang nagpapaliwanag na ang mga taong unang beses
pa lang nagkita o nag-usap ay gumagawa ng mga paraan para mabawasan ang
“uncertainty’ o ilangan sa isa’t-isa . Ito ang “Uncertainty Reduction Theory” nina Charles Berger and
Richard Calabrese na nabuo noong 1975. Ayon sa
kanila ang kanilang teoryang ay binuo para maipaliwanag kung paano binabawasan
o binibigyang solusyon ang “uncertainty’ o ilangan sa pagitan ng mga taong
unang beses pa lang nagkita at nag-usap. Sinasabi sa teoryang ito na ang paraan
para bawasan ang ilangan sa ibang tao ay ang pagkuha ng mga impormasyon
patungkol sa kanila. Sa ganitong paraan pwede tayong magkaroon ng ideya sa
pag-uugali ng taong kausap natin.
Ayon sa Uncertainty Reducation Theory, may tatlong paraan o
“communication strategies” para makakuha ng impormasyon patungkol sa ibang tao.
Ito’y mga paraan para mabawasan ang lebel ng “uncentainty” o ilangan sa ibang
tao.
Una na diyan ang “Passive
Observation” kung saan inoobserbahan natin ang isang tao para makakuha ng
impormasyon. Halimbawa ang pagmasid sa isang tao sa loob ng classroom,
cafeteria o sa kahit anong lugar ng hindi napapansin.
Pangalawa ang “Active
information” kung saan
magtatanong tayo ng maga impormasyon sa mga taong nakapaligid sa taong gusto
nating makilala. Sa paraang ito makakuha tayo ng mga impormasyon nang hindi
direktang nakikipag-usap sa taong interesado tayong makilala.
Pangatlo ay ang “Direct
Interaction” kung saan
direkta tayong nakikipag-usap sa taong gusto nating makilala para mabawasan ang
lebel ng “uncertainty” o ilang sa isa’t-isa.
Bilang karagdagan tungkol sa “Uncertainty Reduction Theory” hinati nina Berger
at Calabrese ang unang pagkikita o “initial interaction’ sa pagitan ng mga
taong unang beses pa lang nagkita at nag-usap. Mas kilala ito sa tawag na “Stages of Relational Development”
“The Entry Stage” ang una, kung saan ang laman madalas
ng usapan sa unang pagkikita ay puro “demographic” o “transactional”.
Halimabawa anong pangalan, edad, trabaho at iba pa.
Pangalawa ay ang “The Personal
Stage” kumpara sa nauna mas
malalim na ang ugnayan sa antas na ito napag-uusapan na ang kani-kanilang mga
ugali at mga paniniwala.
“The Exit Stage” naman ang panghuli kung saan ang
dating estranghero sa isa’t-isa ay magdedesisyon kung ipagpapatuloy pa o hindi
na ang nasimulang ugnayan.
Para sa akin ako ay naniniwala sa teoryang ito dahil lahat naman tayo siguro ay
nakipagkilala na isang taong hindi natin lubusang kilala o “total strangers”.
Lahat naman ng mga sitwasyon na nakasaad sa “Uncertainty Reduction Theory” ay
pawang nangyayari sa tuwing meron tayong makikilala sa unang pagkakataon.
Naniniwala ako na ang mga taong una pa lang nagkita at nag-usap ay gumagawa ng
paraan para mabawasan o maalis ang “uncertainty” o pagkailang sa taong kausap
nila. Sa oras na tayo ay nakikipag-usap sa isang estanghero ay humahanap tayo
ng impormasyon patungkol sa mga taong gusto nating makilala pa ng lubusan dahil
kapag ang kausap natin ay hindi natin kilala mataas ang lebel ng “uncertainty”
o ilang sa taong ito. Hindi natin alam kung paano tayo kikilos o magre-react sa
taong kausap natin.
Sa huli meron tayong kanya-kanyang paraan para makipagkilala o makilala ang
ibang tao.at may prosesong pinagdadaanan ang pakikipagkilala na malamang pinagdaanan
mo at ng iyong mga kaibigan dahil noong una estranghero kayo sa isa’t-isa pero
ngayon “best of friends” na kayo. Para sa akin ako ay naniniwala sa
“Uncertainty Reduction Theory’ dahil may sapat itong basehan at dumaan ito sa
mahabang pag-aaral at pagsisiyasat.
haha cute nung title mo. haha, lagayn mo na lang ng images para may arte ng kaunti. tas dagdagan mo na din ng personal experience mo... yung about sa naigng "crush" mo haha
TumugonBurahintnx tryph point taken oo nga noh nakalimutan ko maglagay ng experirences bago ako sumulat nasa isip ko yan eh ahhaha sa final draft dagdag ko yan ung pics pano maglagay nun hahahahahha :)
TumugonBurahinNaging mahaba ang pagpapakilala mo sa theory at sa stages nito(para sa akin lang), doon nga pala sa last paragraph nalagyan mo ng tuldok, dapat big letter na yung "At". Wala ding resources.. yung lang :D
TumugonBurahinrod avoid complex sentences..
TumugonBurahinMadali siyang maintindiha, parang naiimagine kong ikinukwento mo siya, konting "urf" pa para may excitement. :)
TumugonBurahin1st paragraph: Typographical error (pagkikpagkita)
TumugonBurahin2nd paragraph: (“uncertainty’)?? Typographical lang din naman hehe
"Ayon sa kanila(,) ang kanilang teorya(ng) ay binuo"
Correct me rin if I'm wrong :))
magre-react in tagalog :)Sources din Rod :)Masyado sigurong mahaba ang iyong pagbibigay kahulugan sa napili mong teorya na siya namang kinaiksi ng iyong pag-aanalisa :)
TumugonBurahinMaganda sana kung sinimplihan yung teorya, masyado kasing ma-lecture. Importante rin sana magbanggit ng mga specific na pangyayari kung saan maia-aaply ang teorya tapos analisahin nang mabuti base dun.
TumugonBurahinTypo error. Masyadong malecture. Parang di ako na-convince sa stand mo kasi parang walang hugot, more hugot pa hahaha (examples, personal experience bakit yan ang pinili mong paniwalaan) Proper citation and reference.
TumugonBurahintwo thumb up maganda siya pero medyo mahaba lng siya and medyo kapag tiningnan mo nung una nakakatamad basahin pero once you read it then that is the time that you will appreciate it
TumugonBurahinAvoid sana ang typographical error. And 'wag kang gumaya sa 'kin Rod, ma-lecture tayo pareho e! Kaya natin 'to! Haha. :D Kailangan lang natin ipaliwanag ang teorya ng naiintindihan ng mas nakakarami, mas maganda kung base sa mga naging karanasan mo o sa mga naging karanasan ng iba. :)
TumugonBurahinSimple at madaling maintindihan ang teorya at ang eksplanasyon mo. Kulang ka lang siguro sa mga pangyayari (examples) para dun sa mga stages. Tsaka citation of sources, kailangan din. :)
TumugonBurahinGrammar. Typographical errors and citations, Rodrigo Lagusad! Pero okay na yung pagkaka paliwanag mo sa teorya mo at mga halimbawa. Simple lang sya.
TumugonBurahin* mejo malabo po ung 3rd sentence sa 2nd paragraph.
TumugonBurahin* mdaming beses po nbnggt ung pngalan ng theory, pagka-ilang, kausap, uncertainty, etc. mejo naging redundant.
* pwde pang mas maging interesting to beks. walang specific example e.
yun lang sana naka-tulong. pa-comment din hehe.
http://loucelhemongala.blogspot.com/2013/12/dennis-duttons-darwinian-theory.html#comment-form
:)
Make it simple para hindi parang nagrereport sa klase. Pwede ka nang maging prof. Hahhaha. Maganda at ok naman ang pagpapaliwanag pero yung english na term tapos tagalog ang pagpapaliwanag parang pwede pang ayusin.
TumugonBurahin1
TumugonBurahinSa unang talata. Anong persona ba talaga ang gamit mo,
first, second o third person? Kasi hilong-hilo ako sa paggamit
mo ng mga pronouns.
2
Pakiayos ang citation, alam mo na 'yan.
3
Para akong nasa klase... Wala na bang mas igagaan pa
ang paraan ng pagsulat nito?
4
Hinahangaan kita dahil maayos mo naipaliwanag 'yung teorya,
pero ano 'yung tindig mo hinggil doon? Parang minadali ang
huling talata. Mas kailangan ko ang kritik kesa sa isang
mahabang eksplanasyon.