FINAL DRAFT
Madalas siguro hindi natin alam kung ano ang gagawin kapag nakakasalamuha tayo ng isang estranghero. Halimbawa kung makikipagkamay tayo sa isang estranghero, hindi natin alam kung iaabot din ba niya ang kanyang kamay para makipagkamay sa atin. Hindi tayo sigurado sa ating mga ginagawa, kapag may pagdududa sa ating mga kilos kapag nakikipagsalamuha tanging pagkailang ang namamayani sa pagitan natin at sa taong unang beses pa lang nating makilala.
Hindi
na maaalis sa atin ang makakilala ng ibang tao. Bahagi na ito ng ating buhay dahil
tayo ay sadyang isang “social being”. Kalakip na nito ang pagharap sa iba’t-ibang
klase ng tao. Lahat naman ng ating mga kakilala o mga kaibigan ngayon ay
nagsimula bilang estrangehero. Hindi naman kaagad noong unang magkita kayo ng iyong
mga kaibigan ngayon ay kilalang kilala niyo na ang isa’t-isa. Maging ang ating mga
magulang ay nagsimula bilang estranghero bago pa man sila naging mag-asawa. Ang
unang pagkikpagkita sa isang tao ay sadyang isang malaking hamon dahil wala kang
kahit anong impormasyon tungkol sa kanya, kaya ang resulta ay nagkakaroon ng
“uncertainty” o nagkakaroon ng ilangan sa isa’t-isa.
Isang teorya ang nagpapaliwanag na ang mga taong unang beses pa lang nagkita o nag-usap ay gumagawa ng mga paraan para mabawasan ang “uncertainty’ o ilangan sa isa’t-isa . Ito ang “Uncertainty Reduction Theory” nina Charles Berger at Richard Calabrese na nabuo noong 1975. Ayon sa kanila ang kanilang teoryang ay binuo para maipaliwanag kung paano binabawasan o binibigyang solusyon ang “uncertainty’ o ilangan sa pagitan ng mga taong unang beses pa lang nagkita at nag-usap. Sinasabi sa teoryang ito na ang paraan para bawasan ang ilangan sa ibang tao ay ang pagkuha ng mga impormasyon patungkol sa kanila. Sa ganitong paraan pwede tayong magkaroon ng ideya sa pag-uugali ng taong kausap natin.(Uncertainty Reduction Theory, 2013)
Ayon sa
Uncertainty Reducation Theory, may tatlong paraan o “communication strategies”
para makakuha ng impormasyon patungkol sa ibang tao. Ito’y mga paraan para
mabawasan ang lebel ng “uncentainty” o ilangan sa ibang tao. (Uncertainty
Reduction Theory, 2013)
Una na diyan ang “Passive Observation” kung saan inoobserbahan
natin ang isang tao para makakuha ng impormasyon. Halimbawa ang pagmasid sa
isang tao sa loob ng classroom, cafeteria o sa kahit anong lugar ng hindi
napapansin. (Uncertainty Reduction Theory, 2013)
Pangalawa ang “Active information” kung saan magtatanong tayo
ng maga impormasyon sa mga taong nakapaligid sa taong gusto nating makilala. Sa
paraang ito makakuha tayo ng mga impormasyon nang hindi direktang
nakikipag-usap sa taong interesado tayong makilala. (Uncertainty Reduction
Theory, 2013)
Pangatlo ay ang “Direct Interaction” kung
saan direkta tayong nakikipag-usap sa taong gusto nating makilala para
mabawasan ang lebel ng “uncertainty” o ilang sa isa’t-isa. (Uncertainty
Reduction Theory, 2013)
Bilang halimbawa sa teoryang ito nang ako ay magtrabaho sa isang fast food chain, Lubos ang pagkailang ko sa mga katrabaho ko. Sabay kaming kumakain pag breaktime pero hindi kami nag-uusap ng kahit ano. Ito iyong tipong “awkward moment” dahil magkatabi kayo pero hindi kayo nag-uusap. Dumaan ang ilang araw at nasanay na ako sa aking trabaho kasabay nito nasusubukan ko ng makipag-usap sa mga kasama ko hanggang sa maging magkakaibigan kami. Hanggang sa kahit hindi na ako nagtatrabaho doon ay magkakaibigan pa din kami. Sa aking naging siwasyon ginamit ko ang paraan na “Direct Interaction” kung saan direkta kong kinausap sila hanggang sa mabawasan at tuluyang mawala ang ilangan sa pagitan ko at sa mga katrabaho ko.
Lubusan akong naniniwala sa teoryang binuo nina Charles Berger at Richard Calabrese ang “Uncertainty Reduction Theory” dahil bawat nakasaad dito ay totoong nangyayri kapag tayo ay nakakakilala o nakakasalamuha ng ibang taong sa unang pagkakataon. Masasabi kong nagamit ko ang teorya para maging malapit sa aking mga naging katrabaho sa fast food chain. Noong una hindi kami magkakakilala hanggang sa lubusang nawala ang ilangan at naging “close friends” kami sa isa’t-isa
Ang
aking tindig sa teoryang ito ay may basehan at lubusang pinag-aralan ang iba’t-ibang
sitwasyon patungkol dito. Lahat naman tayo siguro ay nakipagkilala na isang
taong hindi natin lubusang kilala”.. Lahat naman ng mga sitwasyon na nakasaad
sa “Uncertainty Reduction Theory” ay pawang nangyayari sa tuwing meron tayong
makikilala sa unang pagkakataon.
Naniniwala
ako na ang mga taong una pa lang nagkita at nag-usap ay gumagawa ng paraan para
mabawasan o maalis ang pagkailang sa taong kausap nila. Sa oras na tayo ay
nakikipag-usap sa isang estanghero ay humahanap tayo ng impormasyon patungkol
sa mga taong gusto nating makilala pa ng lubusan dahil kapag ang kausap natin
ay hindi natin kilala mataas ang lebel ng pagkailang sa taong ito.
Sa huli meron tayong kanya-kanyang paraan para makipagkilala o makilala ang
ibang tao.at may prosesong pinagdadaanan ang pakikipagkilala na malamang
pinagdaanan mo at ng iyong mga kaibigan. Dahil kung dati ay hindi kayo magkakakilala
ngayon ay “best of friends”. Para sa akin ako ay naniniwala sa “Uncertainty
Reduction Theory’ dahil may sapat itong basehan at dumaan ito sa mahabang
pag-aaral at pagsisiyasat.
Sources:
http://oregonstate.edu/instruct/theory/ur.html (Date retrieved December 27, 2013)
http://wps.ablongman.com/ab_doyle_communbound_1/13/3462/886322.cw/index.html
(Date retrieved December 27, 2013)