Miyerkules, Enero 29, 2014
Clearing Operation
Miyerkules, Enero 22, 2014
Up! Up! and a Way!
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=722293964462591&set=a.150697874955539.23448.100000459816407&type=1&theater
Samu’t-saring mga pagtaas na ang ating
nararanasan sa mga pangunahing bilihin at serbisyo na sa araw-araw ay
kinakailangan natin upang matawid ang isang buong araw. Magmula sa walang
humpay na paglobo ng presyo ng petrolyo na kung maro-rollback man ay agad namang
nababawi ng isang bigtime price hike na
kung titingnan ay lalo lang nakakawawa ang mga motorista. Sa mga bilihin naman
ay talagang mabilis ang pataas ng presyo ng gulay, isda, manok o baboy na
sinundan pa ng pagtaas ng bawat kilo ng bigas. Nagbabanta pa ang pagtaas ng
pamasahe mula sa mga pampublikong transportasyon tulad ng jeep, bus at maging
ang MRT at LRT Line 1and 2 at maging sa tubig .Ngunit hindi pa diyan nagtatapos
ang kwento ng pagtaas ng presyo ng kung anu-ano dahil humahabol pa sa listahan
ang pagtaas ng presyo ng kuryente.
Tama, kuryente na kung saan ako, sila,
ikaw na nagbabasa ng blog na ito at maging lahat ng tao ay kumukunsumo ng
kuryente ay maapektuhan. Lahat ay nagtataasan na ang presyo ngunit ang sahod
bawat manggagawang Pilipino ay nanatiling kakarampot, kulang, di sapat, walang
kakayanang matustusan ang pang-araw-araw na pangangailan upang mabuhay ng
disente, iyong tipong nakakain ng tatlong beses sa isang araw. Kaya ang pagtaas
ng presyo ng sebisyo ng kuryente ay siguradong sasaid sa bulsa ng bawat
maralitang Pilipino.
Kamakailan lang pumutok ang balita tungkol sa nakaambang pagtaas ng singil sa kuryente sa mga buwan ng Disyembre ng nakaraang taon hanggang sa Marso. Alinsunod naman sa napagkasunduan ng mga kinauukulan tulad ng Meralco ay hinati ito sa tatlong buwan para hindi mabigla o mabigatan ang bawat consumer sa dagdag na singil ngunit kahit pagbalik-baliktarin ang sitwasyon ito pa rin ay mabigat at magiging panibagong pasanin ng bawat mamamayan. Ang di umanong rason ng Meralco kung bakit kailangan magtaas ng singil ay napilitan silang bumili ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market na mas mahal dahil naka-apekto di-umano ang pansamatalang pagsasara ng Malampaya natural gas plant sa Palawan na sinabayan pa ng ibang plantang pinagkukunan ng kuryente ng Meralco na pinaghihinalaang nagkuntsabahan para makontrol ang presyo ng kuryente. Sa ngayon, may Temporary Restraining Order o TRO na inisyu ang Korte Suprema upang pansamantalang pigilin ang pagkakaroon ng dagdag singil sa kuryente.(Amargo-Garcia, 2013)
Una sa
lahat ako ay hindi pabor sa pagtaas ng kuryente dahil para sa akin hindi ito
makatarungan at walang basehan. Kailangan imbestigahan ang anomalya sa likod
nito dahil kaduda-duda umano na matagal nang naka-schedule
ang maintenance sa Malampaya power facility subalit wala man lang hinanap na
alternatibong source ng kuryente ang Deparment Of Energy para mapunan ang
magiging pagkukulang na idudulot nito. Kasama din dito ang sinasabing sabwatan
na nangyari sa pagitan ng iba pang plantang pinagkukunan ng kuryente ng Meralco
na sabay-sabay din na nag-shut down. Dagdag pa dito, napakabigat ng panibagong
dagdag singil sa kuryente. Karamihan sa ating mga kababayan ay ginawa na ang lahat
ng paraan para makatipid at mapagkasya ang kung ano mang kinikita nila sa
araw-araw para makaraos. Hindi rin marapat na
gawing dahilan ang mga sira sa mga planta dahil dapat meron itong regular na inspeksyon
at maintenance.
Masyado ng pinahihirapan tayong mga mamamayan sa sunud-sunod at walang patid na pagtaas ng kung anu-ano na siyang nagdudulot sa mas lalong pagkalugmok natin sa kumunoy ng kahirapan. Sana gumawa ng paraan ang gobyerno para masolusyonan ang problemang ito dahil tungkulin ng gobyerno na bigyan ng murang serbisyo ang mga mamayan nito. Sa ngayon tayong lahat ay kailangang mas higpitan ang sinturon para makasabay sa mabilis na pagtaas ng mga bilihin at serbisyo ngunit kasabay nito maging mapanuri at makialam sa mga nangyayari sa ating lipunang kinabibilangan.
Sources:
http://www.philstar.com/bansa/2013/12/09/1265795/dahil-sa-pagtaas-ng-singil-sa-kuryente-meralco-igigisa-na-sa-kongreso (Date Retrieved: January 22, 2013)
http://www.gmanetwork.com/news/story/341048/ulatfilipino/balitangpinoy/pagtataas-ng-meralco-sa-singil-sa-kuryente-ipinatigil-ng-korte-suprema (Date Retrieved: January 22, 2013)
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=722293964462591&set=a.150697874955539.23448.100000459816407&type=1&theater (Date Retrieved: January 22, 2013)
https://pulpolitika.wordpress.com/tag/meralco-magtataas-ng-kuryente/ (Date Retrieved: January 22, 2013)
https://pulpolitika.wordpress.com/tag/meralco-magtataas-ng-kuryente/ (Date Retrieved: January 22, 2013)
Martes, Enero 7, 2014
Sheet of Facts!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
http://www.youtube.com/watch?v=RgtGCZ9eXAA
Hi everyone!!!!!!!!!!! Fun Facts and Trivias. Pagpasensiyahan niyo na medyo malabo pero clear naman ang audio. Hope you like it
Biyernes, Disyembre 27, 2013
From Nothing To Something
FINAL DRAFT
Madalas siguro hindi natin alam kung ano ang gagawin kapag nakakasalamuha tayo ng isang estranghero. Halimbawa kung makikipagkamay tayo sa isang estranghero, hindi natin alam kung iaabot din ba niya ang kanyang kamay para makipagkamay sa atin. Hindi tayo sigurado sa ating mga ginagawa, kapag may pagdududa sa ating mga kilos kapag nakikipagsalamuha tanging pagkailang ang namamayani sa pagitan natin at sa taong unang beses pa lang nating makilala.
Hindi
na maaalis sa atin ang makakilala ng ibang tao. Bahagi na ito ng ating buhay dahil
tayo ay sadyang isang “social being”. Kalakip na nito ang pagharap sa iba’t-ibang
klase ng tao. Lahat naman ng ating mga kakilala o mga kaibigan ngayon ay
nagsimula bilang estrangehero. Hindi naman kaagad noong unang magkita kayo ng iyong
mga kaibigan ngayon ay kilalang kilala niyo na ang isa’t-isa. Maging ang ating mga
magulang ay nagsimula bilang estranghero bago pa man sila naging mag-asawa. Ang
unang pagkikpagkita sa isang tao ay sadyang isang malaking hamon dahil wala kang
kahit anong impormasyon tungkol sa kanya, kaya ang resulta ay nagkakaroon ng
“uncertainty” o nagkakaroon ng ilangan sa isa’t-isa.
Isang teorya ang nagpapaliwanag na ang mga taong unang beses pa lang nagkita o nag-usap ay gumagawa ng mga paraan para mabawasan ang “uncertainty’ o ilangan sa isa’t-isa . Ito ang “Uncertainty Reduction Theory” nina Charles Berger at Richard Calabrese na nabuo noong 1975. Ayon sa kanila ang kanilang teoryang ay binuo para maipaliwanag kung paano binabawasan o binibigyang solusyon ang “uncertainty’ o ilangan sa pagitan ng mga taong unang beses pa lang nagkita at nag-usap. Sinasabi sa teoryang ito na ang paraan para bawasan ang ilangan sa ibang tao ay ang pagkuha ng mga impormasyon patungkol sa kanila. Sa ganitong paraan pwede tayong magkaroon ng ideya sa pag-uugali ng taong kausap natin.(Uncertainty Reduction Theory, 2013)
Ayon sa
Uncertainty Reducation Theory, may tatlong paraan o “communication strategies”
para makakuha ng impormasyon patungkol sa ibang tao. Ito’y mga paraan para
mabawasan ang lebel ng “uncentainty” o ilangan sa ibang tao. (Uncertainty
Reduction Theory, 2013)
Una na diyan ang “Passive Observation” kung saan inoobserbahan
natin ang isang tao para makakuha ng impormasyon. Halimbawa ang pagmasid sa
isang tao sa loob ng classroom, cafeteria o sa kahit anong lugar ng hindi
napapansin. (Uncertainty Reduction Theory, 2013)
Pangalawa ang “Active information” kung saan magtatanong tayo
ng maga impormasyon sa mga taong nakapaligid sa taong gusto nating makilala. Sa
paraang ito makakuha tayo ng mga impormasyon nang hindi direktang
nakikipag-usap sa taong interesado tayong makilala. (Uncertainty Reduction
Theory, 2013)
Pangatlo ay ang “Direct Interaction” kung
saan direkta tayong nakikipag-usap sa taong gusto nating makilala para
mabawasan ang lebel ng “uncertainty” o ilang sa isa’t-isa. (Uncertainty
Reduction Theory, 2013)
Bilang halimbawa sa teoryang ito nang ako ay magtrabaho sa isang fast food chain, Lubos ang pagkailang ko sa mga katrabaho ko. Sabay kaming kumakain pag breaktime pero hindi kami nag-uusap ng kahit ano. Ito iyong tipong “awkward moment” dahil magkatabi kayo pero hindi kayo nag-uusap. Dumaan ang ilang araw at nasanay na ako sa aking trabaho kasabay nito nasusubukan ko ng makipag-usap sa mga kasama ko hanggang sa maging magkakaibigan kami. Hanggang sa kahit hindi na ako nagtatrabaho doon ay magkakaibigan pa din kami. Sa aking naging siwasyon ginamit ko ang paraan na “Direct Interaction” kung saan direkta kong kinausap sila hanggang sa mabawasan at tuluyang mawala ang ilangan sa pagitan ko at sa mga katrabaho ko.
Lubusan akong naniniwala sa teoryang binuo nina Charles Berger at Richard Calabrese ang “Uncertainty Reduction Theory” dahil bawat nakasaad dito ay totoong nangyayri kapag tayo ay nakakakilala o nakakasalamuha ng ibang taong sa unang pagkakataon. Masasabi kong nagamit ko ang teorya para maging malapit sa aking mga naging katrabaho sa fast food chain. Noong una hindi kami magkakakilala hanggang sa lubusang nawala ang ilangan at naging “close friends” kami sa isa’t-isa
Ang
aking tindig sa teoryang ito ay may basehan at lubusang pinag-aralan ang iba’t-ibang
sitwasyon patungkol dito. Lahat naman tayo siguro ay nakipagkilala na isang
taong hindi natin lubusang kilala”.. Lahat naman ng mga sitwasyon na nakasaad
sa “Uncertainty Reduction Theory” ay pawang nangyayari sa tuwing meron tayong
makikilala sa unang pagkakataon.
Naniniwala
ako na ang mga taong una pa lang nagkita at nag-usap ay gumagawa ng paraan para
mabawasan o maalis ang pagkailang sa taong kausap nila. Sa oras na tayo ay
nakikipag-usap sa isang estanghero ay humahanap tayo ng impormasyon patungkol
sa mga taong gusto nating makilala pa ng lubusan dahil kapag ang kausap natin
ay hindi natin kilala mataas ang lebel ng pagkailang sa taong ito.
Sa huli meron tayong kanya-kanyang paraan para makipagkilala o makilala ang
ibang tao.at may prosesong pinagdadaanan ang pakikipagkilala na malamang
pinagdaanan mo at ng iyong mga kaibigan. Dahil kung dati ay hindi kayo magkakakilala
ngayon ay “best of friends”. Para sa akin ako ay naniniwala sa “Uncertainty
Reduction Theory’ dahil may sapat itong basehan at dumaan ito sa mahabang
pag-aaral at pagsisiyasat.
Sources:
http://oregonstate.edu/instruct/theory/ur.html (Date retrieved December 27, 2013)
http://wps.ablongman.com/ab_doyle_communbound_1/13/3462/886322.cw/index.html
(Date retrieved December 27, 2013)
Martes, Disyembre 17, 2013
From Nothing To Something
Bahagi na ng bawat tao ang pakikisalamuha sa iba. Hindi ito maiiwasan dahil ang tao ay sadyang isang “social being”. Kaya kalakip nito ang pagharap sa iba’t-ibang klase ng tao. Lahat naman ng ating mga kakilala o mga kaibigan ngayon ay nagsimula bilang isang estranghero sa atin. Hindi naman kaagad noong nagkita kayo ay kilalang kilala niyo na ang isa’t-isa. Ang unang pagkikpagkita sa isang tao ay sadyang isang malaking hamon dahil wala kang kahit anong impormasyon tungkol sa kanya, kaya ang resulta ay nagkakaroon ng “uncertainty” o nagkakaroon ng ilangan sa pagitan niyong dalawa. Isang halimbawa diyan kapag ang iyong kaibigan ay may ipinakilalang kaibigan niya sa iyo, nagkakaroon ng ilangan sa pagitan ninyong dalawa.
Isang teorya ang nagpapaliwanag na ang mga taong unang beses
pa lang nagkita o nag-usap ay gumagawa ng mga paraan para mabawasan ang
“uncertainty’ o ilangan sa isa’t-isa . Ito ang “Uncertainty Reduction Theory” nina Charles Berger and
Richard Calabrese na nabuo noong 1975. Ayon sa
kanila ang kanilang teoryang ay binuo para maipaliwanag kung paano binabawasan
o binibigyang solusyon ang “uncertainty’ o ilangan sa pagitan ng mga taong
unang beses pa lang nagkita at nag-usap. Sinasabi sa teoryang ito na ang paraan
para bawasan ang ilangan sa ibang tao ay ang pagkuha ng mga impormasyon
patungkol sa kanila. Sa ganitong paraan pwede tayong magkaroon ng ideya sa
pag-uugali ng taong kausap natin.
Ayon sa Uncertainty Reducation Theory, may tatlong paraan o
“communication strategies” para makakuha ng impormasyon patungkol sa ibang tao.
Ito’y mga paraan para mabawasan ang lebel ng “uncentainty” o ilangan sa ibang
tao.
Una na diyan ang “Passive
Observation” kung saan inoobserbahan natin ang isang tao para makakuha ng
impormasyon. Halimbawa ang pagmasid sa isang tao sa loob ng classroom,
cafeteria o sa kahit anong lugar ng hindi napapansin.
Pangalawa ang “Active
information” kung saan
magtatanong tayo ng maga impormasyon sa mga taong nakapaligid sa taong gusto
nating makilala. Sa paraang ito makakuha tayo ng mga impormasyon nang hindi
direktang nakikipag-usap sa taong interesado tayong makilala.
Pangatlo ay ang “Direct
Interaction” kung saan
direkta tayong nakikipag-usap sa taong gusto nating makilala para mabawasan ang
lebel ng “uncertainty” o ilang sa isa’t-isa.
Bilang karagdagan tungkol sa “Uncertainty Reduction Theory” hinati nina Berger
at Calabrese ang unang pagkikita o “initial interaction’ sa pagitan ng mga
taong unang beses pa lang nagkita at nag-usap. Mas kilala ito sa tawag na “Stages of Relational Development”
“The Entry Stage” ang una, kung saan ang laman madalas
ng usapan sa unang pagkikita ay puro “demographic” o “transactional”.
Halimabawa anong pangalan, edad, trabaho at iba pa.
Pangalawa ay ang “The Personal
Stage” kumpara sa nauna mas
malalim na ang ugnayan sa antas na ito napag-uusapan na ang kani-kanilang mga
ugali at mga paniniwala.
“The Exit Stage” naman ang panghuli kung saan ang
dating estranghero sa isa’t-isa ay magdedesisyon kung ipagpapatuloy pa o hindi
na ang nasimulang ugnayan.
Para sa akin ako ay naniniwala sa teoryang ito dahil lahat naman tayo siguro ay
nakipagkilala na isang taong hindi natin lubusang kilala o “total strangers”.
Lahat naman ng mga sitwasyon na nakasaad sa “Uncertainty Reduction Theory” ay
pawang nangyayari sa tuwing meron tayong makikilala sa unang pagkakataon.
Naniniwala ako na ang mga taong una pa lang nagkita at nag-usap ay gumagawa ng
paraan para mabawasan o maalis ang “uncertainty” o pagkailang sa taong kausap
nila. Sa oras na tayo ay nakikipag-usap sa isang estanghero ay humahanap tayo
ng impormasyon patungkol sa mga taong gusto nating makilala pa ng lubusan dahil
kapag ang kausap natin ay hindi natin kilala mataas ang lebel ng “uncertainty”
o ilang sa taong ito. Hindi natin alam kung paano tayo kikilos o magre-react sa
taong kausap natin.
Sa huli meron tayong kanya-kanyang paraan para makipagkilala o makilala ang
ibang tao.at may prosesong pinagdadaanan ang pakikipagkilala na malamang pinagdaanan
mo at ng iyong mga kaibigan dahil noong una estranghero kayo sa isa’t-isa pero
ngayon “best of friends” na kayo. Para sa akin ako ay naniniwala sa
“Uncertainty Reduction Theory’ dahil may sapat itong basehan at dumaan ito sa
mahabang pag-aaral at pagsisiyasat.
Linggo, Disyembre 8, 2013
Race The Sun: Giving Up Is Not An Option
Good morning!!!!!! First time kong
magsulat ng sarili kong blog. Honestly wala akong ideya kung paano sinisimulan
ito. Matapos kong magising mula sa mahabang tulog maraming naglalaro sa aking
isipan kung anong isusulat ko. Aking inobserbahan ang ibang blog at napansin
kong na kahit anong topic ay pwede, "anything under the sun" ika nga
nila.
I just want to share yung napanood
kong movie kahapon, gusto ko yung tema ng buong pelikula.
"Try and try until you succeed" siguro masasabing gasgas na pero
"it make sense" sa lahat ng pagkakataon, being persistent kahit na
parang "you and me against the world" ang sitwasyon tuloy pa din
hindi sumusuko dahil ang goal ay matapos.
"Race the Sun" ang title
ng movie. Pinagbibidahan ni Storm ng X-men walang iba kung hindi si Halle
Berry. Ang kuwento ay tungkol sa mga high school students sa isang lugar sa
Hawaii. Si Halle ay isang bagong teacher sa kanilang school dahil ang kanilang
dating teacher ay nagresign. Science ang kanyang subject na ituturo kahit na English
ang kanyang natapos. Ang mga estudyante niya ay sobrang pasaway. May
kanya-kanyang agenda pagnagkaklase. Meron kanya-kanyang ginagawa tulad ng
pag-i-sketch, pagne-nail polish, maingay na nakikipagkwentuhan sa katabi at ang
matindi pa diyan hindi siya masyadong ginagalangng mga ito. Ngunit nagbago ang
lahat dahil yung pasaway na grupo sa kanyang klase ay wala pang proposal sa
kanilang Science project kaya nirequire
sila ni Halle na pumunta sa isang Science Fair para makakuha ng idea sa
kanilang project. Matapos maglibot-libot ang isa sa kanyang mga estudyante na
si Daniel ay naging intersado sa isang solar panel car na nakita niya sa fair.
Hinawakan niya ito at pinagalitan siya ng isang lalaki. Humingi si Daniel ng
sorry ngunit sabi ng kanyang kaklase ay hindi dapat siya humingi ng sorry.
Nagkainitan at nauwi sa gulo dahil minaliit sila at sinabihang mga bobo daw
sila.
Kaya ng sumunod na araw ay
pinuntahan nila si Halle sa bahay nito at nagbigay ng isang sketch para sa
kanilang project proposal, isang solar panel car. Noong una ay ayaw ni Halle
pumayag kasi hindi ganun kadali gumawa ng isang solar panel car, dahil
kailangan gumugol ng panahon at para na rin itong isang tunay na sa sasakyan
ngunit hindi nagtagal napapayag din siya ng mga bata.. Sinimulan na nilang
buuin ang kanilang sasakyan na papatakbuhin ng mga solar panel. Pinaliwanag ni
Halle kung paano gumagana ang isang solar panel car. Dumaan ang ilang lingo, papalapit ng papalapit ang karera ngunit dahil sa hindi naging
maganda ang naging resulta ay unti-unti
silang sumuko pero si Daniel ay nakaisip ng isang ideya. Ang kanilang solar
panel car ay magiging ipis ang pinakakonsepto. Matapos nito unti-unti silang
nabigyan ng motibasyon na ipagpatuloy ang pagsali sa karera. Kahit mahirap
hindi sila sumuko nanatili silang matatag. Nagbunga ang kanilang paghihirap
nanalo sila at sila ang ipapadala sa Australia para kumatawan sa kanilang
lugar. Hindi sila makapaniwala na lalaban sila sa ibang mga bansa.
Ang karera sa Australia, ay tumagal
ng ilang araw, samut-saring problema ang kanilang kinaharap hinamon ang
kanilang katatagan at kagustuhang matapos ang karera. Dahil sa pagod at init na
rin ng panahon isa-isa silang nagkasakit at nanghina. Ngunit kahit parang
imposible na matapos ang karera hindi sila sumuko kahit na nasira na ang
kanilang solar panel car matapos magliyab ito, hindi sila pinanghinaan ng loob
at ginawa ang lahat binigay ang best at naniwalang kaya nilang tapusin ang
karera. Teamwork means team effort sila lahat ay hindi sumuko kaya
napagtagumpayan nila ang hamon kahit na ilang beses nasiraan. Hindi sila
nasiraan ng pag-asa. Basta ibinigay mo ang iyong best wala kang dapat
pagsisihan manalo man o matalo ika nga nila.
Realization after watching the
movie, na try and try until you succeed ay totoo. Maaring ngayon ay hindi mo
nakuha ang iyong goal hindi ibig sabihin suko ka na. Sabi nga ng pamosong
kasabihan subok lang ng subok hanggang sa mapagtagumpayan basta you give your
very best in everything you do sa simula pa lang panalo ka na. Sobrang
nakakainspire lang yung movie dahil itong mga philosophies na ito ay maaapply
sa ibat-ibang bagay. Basta you have the will and the goal to succeed sabi nga
ni Nelson Mandela "Action with Vision". Kaya guys try niyo panuorin!!!!!!!!!!!!!!!!!!
The whole movie is based on a true
story and hindi siya as extravagant compare to other movies pero may sinasabi
even if you are underdog you can be at the top. As what the saying goes
"Try and try until you succeed". Kaya nga ako I give my very best in
everything I do lalo na ay panahon na ng thesis alam ko marami akong
pagdadaanan na hirap kasama ng mga thesis groupmates ko pero kakayanin naming,
hindi ako matitinag. Especially pagdating ko sa real world after graduation
where the real batlle begins, try and try with all the oppurtunities na
dadarating. Syempre lalo na sa pagharap sa hamon ng buhay araw-araw "giving up is not an option" Cross fingers lang sa lahat ng mangyayari sabi nga sa Philippians
4:13 "We can do all things through Christ who strengthens us". Kaya
go lang go sabi ng kanta ni Jason Mraz "I won't give up ".
Yehey!!!!!!!!!!! At yun nga ang aking kauna-unahang blog until
next time rockyROD is now signing off.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)



