"Welga"
ni: Ariana Trinidad
Dadaanin sa sigaw,
Ang bulong ng utak,
Sa simulaing naligaw,
Malalim din ang babaw!
Sa kalsada ibabandera,
Mga watawat ng pagdurusa,
Laban ng kasama,
Ipakikibaka!
Ang pait sa damdamin
Ay tamis na gagamitin
Upang makapiling
Ang minimithing lilim.
Ang diwa ng unyon,
May pusong lilingon
Makakasumpong
Ng dakilang panginoon!
Huwag kalimutan
Ang pakikipaglaban
Ay hindi sandigan
Para sa sariling kapakanan!
Teoryang Realismo
a. Ito ang teorya ng
makatotohanang panitikan. Ito ay naglalarawan ng makatotohanang pangyayari sa
buhay. Ang mga tauhan ay nagtataglay ng ordinaryong suliranin sa buhay at ang
usapan ng mga tauhan ay parang natural.
b. Pananaw Realismo
1) Higit na mahalaga ang
katotohanan kaysa kagandahan para sa realismo.
2) Ang paraan ng paglalarawan
ang susi at hindi ang uri ng paksa.
3) Tumutukoy ito sa suliranin
ng lipunan (sosyal, political, atbp)
4) Naniniwala ang realismo na
ang pagbabago ay walang hinto.
5) Tumatalakay sa salungatan
ng kapital at paggawa.
6) Optimistiko ang pananalig
na lalaya ng masa sa pagkakalugmok nito.
Ginamit
ko ang Teoryang Realismo upang i-deconstruct ang tulang “Welga” ni Ariana
Trinidad dahil ito ang sa tingin kong pinakabagay na Teoryang Pampanitikan para
dito dahil ito ay tumutukoy o may kinalaman sa suliranin ng panlipunan.
Sa
unang saknong ng tula makikita na inilalarawan ang mga makatotohanang pangyayari
sa likod ng pagwewelga, ang tunay na kahulugan kung bakit kinakailangang
magsagawa ng mga kilos protesta. Sa paraang pagsigaw sa mga pampublikong
lugar naipapahatid sa mga kinauukulan
maging sa taumbayan ang mga hinaing patungkol sa mga mga bagay na naliligaw sa
tamang landas. Mula sa mga isyung pambayan na kung saan lahat ay apektado.hanggang
sa mga tiwaling opisyal na siyang sanhi kung bakit hindi ang buo ang tiwala ng
mga mamamayan sa pamahalaan.
Sa ikalawang saknong naipapakita
kung saan at paano isinasagawa ang welga na inoorganisa ng mga taong may
pakialam sa mga nangayayari sa kanilang lipunang ginagalawan. Ang mga kalsada
ang nagiging daan upang maipahatid ang mga hinaing upang magkaroon ng boses ang
simpleng mamamayan na siyang direktang naapektuhan ng kahirapan at iba pang
panlipunang problema.
Sa ikatlong saknong, optimistiko ang
pananalig na lalaya ang masa sa pagkakalugmok sa mga samu’t-saring mga
problema. Pinapakita ang totoong kalagayan ng mga raliyista. Nagsisilbing
motibasyon sa kanila ang mga kahirapang kanilang nararanasan upang kumilos at
gumawa ng aksyon upang magkakaroon ng
pagbabago.
Sa ikaapat na saknong naisasalarawan
ang tunay na estado ng pagiging miyembro ng unyon o anumang organisasyon na
siyang gumagawa ng mga demostrasyon tungkol sa mga isyung panlipunan.
Naipapakita sa tulang ito na mas mahalaga ang katotohanang nangyayari sa tunay
na buhay ng tao kaysa sa anu pa man.
Sa
ikalima at huling saknong isang paalala ang iniiwan kung saan pinapaliwanang
kung ano ba talaga ang pinaka esensya o ang dahilan kung bakit nakikipaglaban
tungo sa inaasam na pagbabagong panlipunan.Ang pagwewelga sa mga lansangan at
pakikipaggirian sa mga pulisya ay hindi tungkol sa pagkakaroon ng sariling
benepisyo kung hindi patungkol sa kapakanan ng lahat.
Sa pangkalahatan, ang
tulang “Welga” ni Ariana Trinidad ay patungkol sa pagpapakita ng mga makatotohanang
pangyayari sa likod ng konsepto ng “welga” kaya bagay na bagay dito ang
Teoryang Realismo.
Sources:
"Welga",http://halimbawa-tagalog-tula.blogspot.com/2011/07/maikling-tulang-pilipino.html (Date Retrieved March 5, 2014)
"Teoryang Pampanitikan",
http://ranieili2028.blogspot.com/2011/12/teoryang-pampanitikan.html (Date
Retrieved Mrch 5, 2014)