Ang tagal ko nang nakatira
dito sa Metro Manila pero ngayon ko pa lang napuntahan ang Intramuros, ang tinaguriang
“Walled City”. Marami na akong mga nabasa at narinig patungkol dito. Sa pangalan
pa lang nito, nagkaroon na akong palagay kung anu-ano ang mga makikita doon,
kaya sa unang tapak ko dito ay sobrang saya at agad ko nang hinangaan ang kabuuan
nito. “Historical site in a modern setting” ang agad na dating sa akin ng lugar.
Napreserba ang mga istruktura na daang taon na ang tanda kasabay ng modernisasyon
na bakas sa paligid kaya parang ang buong komunidad ng Intramuros ay sumasabay sa
usad ng panahon. Isang malaking siyudad na ang bawat kalye ay may sariling kuwento.
“Welcome to
Intramuros”, unang beses kong makapunta sa Intramuros kaya excited ako sa paglilibot
dito. Noong una ay ayaw kong maniwala na Manila Cathedral na ang simbahan na nasa
harap ko pero kalaunan ay napagtanto ko din. Kasalukuyan na inaayos ang naturang
simbahan para manatili ang orihinal nitong itsura. Ang saying pagmasdan nito dahil
kahanga-hanga ang architectural design ng simbahan kung saan makikita ang
nagging impluwensya ng pananakop ng mga Espanyol sa Kamaynilaan. Isa pa sa nakakamangha
ay ang buong sukat nito dahil hindi biro ang laki nito, halos doble o higit pa
ang laki nito kumpara sa ibang simbahan.
Nagpatuloy ako sa paglilibot
sa paligid ng Intramuros at sobrang nakakamangha dahil bawat kalye ito ay
maganda at may kwentong sinasabi kaya bawat hakbangk o ay panay ang aking pagkuha
ng mga pictures. Saan man ako lumingon ay meron at meron kang makikita ng bagay
na kukuha ng iyong atensyon. Bawat kalye sa Intramuros ay walang tapon dahil bawat
isa ay kakaiba.
Isa sa pinakamaganda ng
lugar sa Intramuros ay ang mismong lugar kung bakit kakaiba ito sa lahat, ang pader
sa paligid nito. Maganda ang tanawin mula ditto dahil tanaw dito ang mga kalapit
na mga “iconic signs” ng Maynila tulad ng Manila City Hall. Ang gandang pagkakagawa
ng naturang istruktura dahil nanatili ang bakas nito kung saang panahon ito nagawa.
Nanatili pa din ditto ang mga “ruins” ng mga Espanyol tulad ng mga kanyon sa paligid.
Pakiramdam ko nakikibahagi ako sa kasaysayan.
Masarap magpahinga dito
matapos ang mahabang lakaran, nakakatanggal ng pagod ang mismong lugar.Presko sa
pakiramdam dahil malakas ang hangin at nakakagaan ng pakiramdam ang ganda ng lugar.
May mga puno sa paligid na nakakaganda ng paligid. Isa sa pa sa magandang katangian
ng mga pader dito ay ang mga hagdan nito. Nakakaenganyo maglakad-lakad dahil na
preserba ang buong lugar.Nanatili ang orihinal na itsura kaya mas lalong“authentic”
at “unique” dahil para umusad ang isang bansa patungo sa hinaharap ay dapat pangalagaan
ang nakaraan.
Maraming puwedeng mapuntahan
sa loob ng Intramuros dahil nagkalat ang mga tagong lugar na puwedeng pasyalan tuladng
Silahis Arts and Craft. Isa siyang tindahan na at the same time ay museum na
din dahil lahat ng binebenta dito ay indigenous materials at talaga namang “Only
in the Philippines”. Samu’t-saring mga bagay ang makikita, nakakabusog ng mga mata
dahil kahit saan ka tumingin ay punong-puno ng mga bagay na magpapaalala sa iyo
na masarap maging Pilipino. Magmula sa mga iba’t-ibang
handicrafts, sculptures, paintings at iba pang mga abubot. Lahat ng tinitinda
ay gawang kamay kaya kamangha-mangha kung paano nabuo ang bawat isa. Bukod dito
ay pinapakita kung gaano kayaman ang ating bansa sa sining at kasaysayan kaya
maganda ng dumaan ditto pagpupunta ka sa Intramuros, panigurado ng magiging sulit
ang pagpasyal mo dito.
Matapos ang halos
buong araw na pagpasyal sa Intramuros masarap kumain at tikman ang pagkaing gawa
dito. Sa isang restaurant kami kumain, sa Illustrado. Kakaiba ang ambience ng
buong lugar medyo “dim” ang lights kaya medyo “unique” siya sa ibang kainan.
Maraming pictures sa bawat dingding kaya hindi naging masyadong boring ang
paghihintay sa inorder na pagkain. Ham and Cheese Croissant ang aking inorder
mukha kasi itong masarap at sulit dahil malaki ang serving nito. Malinamnam
dahil masarap ang pinagsamang ham at cheese na palaman. Medyo may kamahalan nga lang ang presyo kaya
hindi magiging praktikal ang palagiang pagbili dito pero masarap ang mga pakain
nila.
Ham & Cheese Croissant
Sa pangkalahatan naging
masaya at exciting ang naging pagbisita ko sa unang pagkakataon sa Intramuros
kasama ng aking mga kaibigan. Marami akong nakita at bagong karanasan uli ang
aking naibahagi.