Miyerkules, Enero 29, 2014
Clearing Operation
Miyerkules, Enero 22, 2014
Up! Up! and a Way!
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=722293964462591&set=a.150697874955539.23448.100000459816407&type=1&theater
Samu’t-saring mga pagtaas na ang ating
nararanasan sa mga pangunahing bilihin at serbisyo na sa araw-araw ay
kinakailangan natin upang matawid ang isang buong araw. Magmula sa walang
humpay na paglobo ng presyo ng petrolyo na kung maro-rollback man ay agad namang
nababawi ng isang bigtime price hike na
kung titingnan ay lalo lang nakakawawa ang mga motorista. Sa mga bilihin naman
ay talagang mabilis ang pataas ng presyo ng gulay, isda, manok o baboy na
sinundan pa ng pagtaas ng bawat kilo ng bigas. Nagbabanta pa ang pagtaas ng
pamasahe mula sa mga pampublikong transportasyon tulad ng jeep, bus at maging
ang MRT at LRT Line 1and 2 at maging sa tubig .Ngunit hindi pa diyan nagtatapos
ang kwento ng pagtaas ng presyo ng kung anu-ano dahil humahabol pa sa listahan
ang pagtaas ng presyo ng kuryente.
Tama, kuryente na kung saan ako, sila,
ikaw na nagbabasa ng blog na ito at maging lahat ng tao ay kumukunsumo ng
kuryente ay maapektuhan. Lahat ay nagtataasan na ang presyo ngunit ang sahod
bawat manggagawang Pilipino ay nanatiling kakarampot, kulang, di sapat, walang
kakayanang matustusan ang pang-araw-araw na pangangailan upang mabuhay ng
disente, iyong tipong nakakain ng tatlong beses sa isang araw. Kaya ang pagtaas
ng presyo ng sebisyo ng kuryente ay siguradong sasaid sa bulsa ng bawat
maralitang Pilipino.
Kamakailan lang pumutok ang balita tungkol sa nakaambang pagtaas ng singil sa kuryente sa mga buwan ng Disyembre ng nakaraang taon hanggang sa Marso. Alinsunod naman sa napagkasunduan ng mga kinauukulan tulad ng Meralco ay hinati ito sa tatlong buwan para hindi mabigla o mabigatan ang bawat consumer sa dagdag na singil ngunit kahit pagbalik-baliktarin ang sitwasyon ito pa rin ay mabigat at magiging panibagong pasanin ng bawat mamamayan. Ang di umanong rason ng Meralco kung bakit kailangan magtaas ng singil ay napilitan silang bumili ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market na mas mahal dahil naka-apekto di-umano ang pansamatalang pagsasara ng Malampaya natural gas plant sa Palawan na sinabayan pa ng ibang plantang pinagkukunan ng kuryente ng Meralco na pinaghihinalaang nagkuntsabahan para makontrol ang presyo ng kuryente. Sa ngayon, may Temporary Restraining Order o TRO na inisyu ang Korte Suprema upang pansamantalang pigilin ang pagkakaroon ng dagdag singil sa kuryente.(Amargo-Garcia, 2013)
Una sa
lahat ako ay hindi pabor sa pagtaas ng kuryente dahil para sa akin hindi ito
makatarungan at walang basehan. Kailangan imbestigahan ang anomalya sa likod
nito dahil kaduda-duda umano na matagal nang naka-schedule
ang maintenance sa Malampaya power facility subalit wala man lang hinanap na
alternatibong source ng kuryente ang Deparment Of Energy para mapunan ang
magiging pagkukulang na idudulot nito. Kasama din dito ang sinasabing sabwatan
na nangyari sa pagitan ng iba pang plantang pinagkukunan ng kuryente ng Meralco
na sabay-sabay din na nag-shut down. Dagdag pa dito, napakabigat ng panibagong
dagdag singil sa kuryente. Karamihan sa ating mga kababayan ay ginawa na ang lahat
ng paraan para makatipid at mapagkasya ang kung ano mang kinikita nila sa
araw-araw para makaraos. Hindi rin marapat na
gawing dahilan ang mga sira sa mga planta dahil dapat meron itong regular na inspeksyon
at maintenance.
Masyado ng pinahihirapan tayong mga mamamayan sa sunud-sunod at walang patid na pagtaas ng kung anu-ano na siyang nagdudulot sa mas lalong pagkalugmok natin sa kumunoy ng kahirapan. Sana gumawa ng paraan ang gobyerno para masolusyonan ang problemang ito dahil tungkulin ng gobyerno na bigyan ng murang serbisyo ang mga mamayan nito. Sa ngayon tayong lahat ay kailangang mas higpitan ang sinturon para makasabay sa mabilis na pagtaas ng mga bilihin at serbisyo ngunit kasabay nito maging mapanuri at makialam sa mga nangyayari sa ating lipunang kinabibilangan.
Sources:
http://www.philstar.com/bansa/2013/12/09/1265795/dahil-sa-pagtaas-ng-singil-sa-kuryente-meralco-igigisa-na-sa-kongreso (Date Retrieved: January 22, 2013)
http://www.gmanetwork.com/news/story/341048/ulatfilipino/balitangpinoy/pagtataas-ng-meralco-sa-singil-sa-kuryente-ipinatigil-ng-korte-suprema (Date Retrieved: January 22, 2013)
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=722293964462591&set=a.150697874955539.23448.100000459816407&type=1&theater (Date Retrieved: January 22, 2013)
https://pulpolitika.wordpress.com/tag/meralco-magtataas-ng-kuryente/ (Date Retrieved: January 22, 2013)
https://pulpolitika.wordpress.com/tag/meralco-magtataas-ng-kuryente/ (Date Retrieved: January 22, 2013)
Martes, Enero 7, 2014
Sheet of Facts!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
http://www.youtube.com/watch?v=RgtGCZ9eXAA
Hi everyone!!!!!!!!!!! Fun Facts and Trivias. Pagpasensiyahan niyo na medyo malabo pero clear naman ang audio. Hope you like it
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)